Friday, September 19, 2014

Questions on Filipino Ghosts and Monsters

Tayong mga Pilipino ay madikit sa mga bagay na punung puno ng mysteryo. Maraming tao ang nagsisimba at nilalagay ang lahat ng bagay sa kamay ng Diyos ngunit meron ring mga bagay bagay sa ating kultura kung saan tayo'y naniniwala sa mga bagay na gawa ng lupa, hangin at tubig. Ito ang mga tanong ko sa kanila.

1. Kapre 

Ang kapre ay isang malaking higante na nahahanap raw sa mga malalaking puno. Sila ay daw ay may tobacco na parang nagyoyosi lang sa labas ng Starbucks. Makikitaw raw sila sa mga puno puno na malalaki at malulusog ang mga dahon. Ngunit, ang tanong ko lang: 

- Saan kumukuha ng tobacco yung Kapre? Bumababa ba siya sa puno niya para bumili ng yosi sa mga nagbebenta sa mga side walks? At kung bumibili man siya, saan siya kumukuha ng pera? o Gumagawa ba siya ng sarili niyang tobacco gamit ang sangay at dahon ng puno na tinitirahan niya? Kung gumagawa man siya, saan siya natuto? Sino nagturo sa mga kapre gumawa ng tobacco? 

2. Aswang

Ang aswang ay parang werewolves ng mga bansa sa Europa. Ang pinagkaiba nga lang ay nagiging tao sila at normal na itim na aso lamang. Sabi nila, mahilig daw sila na kumain ng mga bata. Napapatay daw ang aswang gamit ang asin, bawang at mga bagay na nagpapakita ni Ama, Anak at Espirito Santo. Ito ang mga tanong ko:

- Kapag hinimas himas ko ba ang buhok ng isang aswang pag ito'y nasa katawang tao mag aasta rin ba tong parang aso na hihiga o gagalaw ang kanang binti? At bakit bawang ang panlaban sa asin? Bawal ba silang magkabadbreath at baka humina ang kanilang pangil sa mga bacteria na nasa bungabunga nila? Bakit rin asin ang pwedeng makapatay sa kanila? May sakit ba sila sa bato kay bawal?

3. White Lady

Ang mga white lady ay ang mga babaeng namatay ng walang hustisya. Sila yung nirape, sinalvage at kung ano ano mang katarantaduhan ang ginawa sa kanila. Sila ay ang mga muntong naghahanap ng hustisya. Ngunit, meron akong mga katanungan...

- Bakit ang puti ng kanilang mga damit? Sa sobrang puti magtataka ka kung naglalaba ba sila o hindi. At kung naglalaba sila, saan at anong detergent ang ginagamit nila na talo pa ang Tide at Ariel. Bakit wala pa akong nakikitang white lady na may boy cut? Bakit parating mahahahaba at maayos ang buhok nila? Anong shampoo kaya ang ginagamit kaya nila? 



No comments:

Post a Comment